Jaypee C. Maderazo

JAYPEE“We don’t just examine… We care…” Napukaw nito ang aking atensyon ng una ko itong marinig sa commercial ng isang radio station dito sa Batangas. At first, wala akong idea kung tungkol saan yung narinig kong tag line. Muli, narinig ko na naman sa radio ang tag line na iyon, mahilig kasi ako makinig ng radio. Pinakinggan kong mabuti kung anong tinutukoy ng tag line na iyon mula sa commercial ng radio. Ang tinutukoy pala dito ay ang Pioneer Clinical Laboratory & Medical Clinic, Inc.

Isang laboratoryo na nagbibigay ng dekalidad na serbisyo upang matulungan ang mga tao sa kanilang pangangailangang medikal, hindi lamang dito sa Batangas kundi sa iba pang karatig na mga lalawigan dito sa Pilipinas.

Una kong na-experience magpunta at magpa-medical sa PCLMCI noong ako ay mag-college, requirement sa university na aking papasukan. Ang laboratory pa nila noon ay matatagpuan sa Beredo Building along P. Burgos St. dito sa Batangas. Medyo maliit ang space pero hindi iyon ang naging batayan para makapagbigay sila ng maayos na serbisyo kundi ang kanilang magagaling at dekalibreng mga medical staff na handing tumulong sa ating pangangailangang medikal. Maayos naman ang naging resulta ng aking medical, nakuha ko ang result at habang hawak at binabasa ang result, sumagi sa isip ko na hindi iyon ang huli kong pagpunta at pag-avail ng kanilang serbisyo.

At hindi ako nagkamali, sa pangalawang pagkakataon, muli akong nagpa-medical sa PCLMCI, at sa pagkakataong yon, para naman sa pagtakbo ko bilang SK councilor sa aming barangay. Sa muli kong pagpunta sa PCLMCI, sobra akong na-amaze dahil nag-level up na sila hindi lang sa serbisyo kung sa kanilang facilities! Wowww!!! Sosyal!!! Ito ang naging unang reaction ko sa muling pagbisita sa PCLMCI. Ang ganda ng kanilang building, modern at hindi pahuhuli sa mga modernong ospital at laboratory dito sa Batangas. Mula sa design ng building, mga furnitures, laboratory equipments, ang ambiance, sobrang astig. Hindi ka lang magpapamedical, mistulang show room na din dahil sa design ng facilities nila, perfect!

Lalo pa ako nitong napahanga ng malaman kong ISO certified na sila. Isang patunay na dekalidad at maaasahang serbisyo ang ihahandog nila para sa atin hindi lamang dito sa Batangas at hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ang galing di ga!

At hindi doon natatapos ang memorable kong experience sa PCLMCI. Nabigyan din ako ng pagkakataon upang tulungan silang mas mapaganda hindi lamang ang serbisyo kundi ang kanilang pasilidad. Dati akong nagtrabaho sa isang architecture and interior design firm na siyang naging consultant ng PCLMCI para mas ma-improve pa ang kanilang facilities. Parang destiny lang di ba.

Kahit paano, masasabi kong naging bahagi ako ng matagumpay na pagkakatatag ng PCLMCI sa loob ng 20 years at mula nang una kong marinig ang kanilang commercial sa radio, marami silang taong natulungan at naging kasabay upang maabot ang patuloy na tagumpay. It only proves that PCLMCI really don’t just examine, they truly care… Mabuhay ang Pioneer Clinical Laboratory & Medical Clinic Inc.! Happy 20th year anniversary!