Pio “Phoyie” Culla

PHOYIE CULLAAko po si Pio “Phoyie” Culla, taga Barangay Talahib Payapa, Batangas City. Taong 2007-2008 ng magkaroon ng karamdaman ang aking ina na si Anicia Culla. Ipinacheck-up ko siya sa doktor at kailangan po niya na magpalaboratory o magpaexamine ng dugo at ihi maging magpa X-ray. Kaagad naman kaming nagpunta sa Pioneer Lab dala ang request ng doktor. Pag dating namin sa Pioneer Lab ay sumunod naman kami kung anuman ang patakaran hanggang sa matawag ang numero naming hawak.

Dahil sa high-tech nilang mga instrumento at mahuhusay na empleyado ay naisagawa ang lahat ng requests. Pagkatapos ng lahat ng eksaminasyon ay nareleased din kagad ang resulta. Bumalik kami sa doktor dala ang lahat ng resultang ginawa sa Pioneer Labat dahil dito ay nabigyan ng tamang gamot ang aking ina.

Hanggang ngayon maging ang aking asawa at anak ay sa Pioneer Laboratory na ang monitoring ng anumang request ng doktor. Kaya ngayong taong 2014 ang aking asawa na si Ildefonsa Culla ay magbuntis at magkaroon ng request ang OB n’ya na magpatest ng dugo at ihi , gayun din sa OGTT ay sa Pioneer Lab kami kagad nagpunta. Nabigyan ng tamang gamot ang asawa ko ganun din ang baby sa kanyang sinapupunan at naging ligtas dahil sa kahusayan ng Pioneer Lab. Nalaman namin ang dapat gamutin at tamang gamot na iinumin para sa mas malusog na pangangatawan.

Maging ang mga kamag-anak at kaibigan ko, kapag magpapalaboratory , sinasabihan ko na sa Pioneer Lab na lang magpunta. Sapagkat alam ko na may mahuhusay silang kagamitan, mabilis ang resulta ng mga eksaminasyon, magandang pasilidad, makatao at maka-Diyos na serbisyo at may mababait at magagalang na mga empleyado. Kayat para sa akin ang Pioneer Laboratory ang sagot at makakatulong upang mapangalagaan ang aming kalusugan.

Maraming salamat po at sanay sumaatin palagi ang pagpapala ng Diyos.