Trucelyn Falejo

TrucelynThey say na ang mga kliyente ang asset ng isang kumpanya. Pero nagbago ang perception ko sa bagay na yan mula noong naging isa ako sa mga regular na kliyente ng Pioneer Lab.

Actually takot talaga ako magpa-hospital. Year 2012 nung last time na kinuhanan ako ng dugo at masasabi kong yun na siguro ang huli. Nakaka-iyak at parang ayoko ng magpakuha pang muli ng dugo. Sa Laguna ako noon nagtatrabaho at bahagi ng medical benefits ng isang kumpanya ang mabigyan ng Medical Incentives na Annual Physical Exam o APE. Isa na nga sa mga kinatatakutan ko ay ang examination sa dugo na CBC. Sa daliri kami kinuhanan noon. Grabe lang! Nung ako na ang kukuhanan, napalunok na lang ako at saka iniabot ang kamay ko sa phlebo nila, napabaon ng bonggang bongga ang karayom sa daliri ko at ang mas malala, ang maputol ito! SOBRANG SAKIT!!!! At dahil sa nataranta ako, maging ang nurse, wala siyang nakuhang dugo mula sa daliri ko. Namanhid ang kamay ko at namutla, na kahit pigapigain, wala na. She suggested na sa kabilang kamay naman ako kuhanan, I don’t have a choice. Sinabihan pa nga akong parang bata ng nurse dahil sa takot ko sa karayom instead na palakasin ang loob ko. Kaya sabi ko sa sarili ko that will be the last time na magpapakuha ako ng dugo with that kind of process. And I left the examination room with fear of needles.

2 years after, Last April, required na kumuha ako ng health card for my Aunt’s business.

‘Another killer shot!’, sabi ko habang nagkokompleto ng requirements. Aaminin ko natatakot talaga ako. But then I chose Pioneer Lab kasi recommended siya ng mga kakilala ko. I went there one morning and they all welcomed me with friendly smile. Naisip kong pangitingiti pa kayo, sasaktan niyo din naman ako later. Haha.

Nung time na kukuhanan na ako ng dugo, this girl who sounds like my favorite comfort food asked me about personal things na para bang nakikipagkaibigan. Kinausap nya ako habang kinukuhanan ako ng dugo, though medyo nanginginig na ako dahil nakita ko na naman yung karayom! But her friendly approach made me feel relax and calm, pumikit ako pero parang wala namang nangyari, I mean di ko alam na tapos na pala. Hahaha! I faced my fear because of her help. Galing! And what I did not expect was when she commended me na I am a strong lady!

Mali ang akala ko na ang asset ng isang kompanya ay ang mga customers nito, pero di pala, kundi ang kanilang mahuhusay na mga empleyado. Kudos Pioneer Lab & Hershey!